MARAMI ang na-curious kung ano ang magiging collaboration nina Korina Sanchez at Derek Ramsay sa ipinost nilang picture showing kung saan makikita ang kanilang toned arms.

Korina at Derek copy

Caption ni Derek sa photo nila ni Korina: “You are so ripped @korina and strong. It was an honor to work with you. Watch out for our special project together” na sinundan din ng post ni Korina na may caption na, “Excited about our collaboration. Korina X Derek X.”

Pati mga kaibigan sa showbiz industry ay nagulat at natuwa sa picture pa lang nina Korina at Derek at waiting na rin sila kung anong collab ito. Dahil walang clue, kanya-kanyang hula ang netizens.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Nakakatuwa rin ang mga comments na nabasa namin gaya ng comment ni Kim Atienza na nagso-sorry kay Mar Roxas dahil si Korina na raw ang bago niyang crush.

May mga nag-comment naman na parang Glorious daw ang project nina Korina at Derek at wish nilang tama sila. Remember the Glorious movie nina Angel Aquino at Tony Labrusca? Gusto ng netizens ng part two pero sina Korina at Derek na ang bida.

-NITZ MIRALLES