Bumaba ang krimen sa Metro Manila nitong nakaraang taon, ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO).

Sa datos ng NCRPO, bumulusok ng 21 porsiyento ang crime incidents sa NCR bunsod na rin ng pinaigting na kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na droga at ang pagpapakalat ng mga pulis sa crime prone areas.

Ayon kay Metro Manila police chief, Guillermo Eleazar, umabot sa 14,633 ang crime incidents sa NCR sa nitong nakaraang taon, mas mababa kumpara sa 18,524 noong 2017.

Lumagpak din umano ang buwanang crime volume nitong nakalipas na taon kumpara nitong 2017.

Probinsya

16-anyos na inang nagpapadede ng sanggol, binaril sa noo ng selosong mister!

Binanggit din nito ang naiulat na krimen nitong Disyembre 2018 na aabot lamang sa 972, na mas mababa ng 31% sa naitalang 1,411 noong Disyembre 2017.

Hindi umano karaniwan ang crime volume na iniulat sa NCR nitong nakaraang taon dahil madalas na tumataas ang criminal incidents tuwing sasapit ang “ber” months.

Sa inilabas nilang comparative data, mula 2016-2018, sinabi ni Eleazar na bumaba rin naitalang crime against person, katulad ng murder, homicide, physical injuries, at rape.

-Aaron Recuenco