HAPPY New Year!
Excited ba kayo sa pagpasok ng Bagong Taon?
Nitong nakaraang mga araw kung saan natamasa natin ang dalawang magkasunod na long weekend sa pagdiwang ng Pasko at Bagong Taon, nagkaroon tayo ng pagkakataon upang makapagpahinga at makapagnilay-nilay.
Hindi natin maikakaila na naging malaking pagsubok ang taong 2018. And’yan ang pagpapatupad ng bagong taxation scheme, walang katapusang trapik, mga kalamidad, at iba pa.
Subalit pagsama-samahin pa ang mga kalbaryong ito ay nandirito pa rin tayo at humihinga.
Ganyan talaga ang Pinoy. Mapagpasensiya, matibay ang loob, at madiskarte. Bagamat napapadalas na rin ang pagiging reklamador ay susunod din sa mga bagong panuntunan ng gobyerno.
Matapos ang kaliwa’t kanang selebrasyon sa paggunita ng kapanganakan ni Jesus at pagsalubong sa Bagong Taon ay ‘back-to-normal’ programming tayong lahat.
Sa lyrics nga ng isang kanta: “Bagong taon ay magbagong buhay. Nang lumigaya ang ating bayan.”
Sa aking pagmamaneho patungo sa opisina, balik na rin ang mga pasaway na driver, vendor, pedestrian, at iba pa.
Santambak din na basura ang sumalubong sa akin sa maraming lugar.
Oo nga’t nakabakasyon din ang mga nangongolekta ng basura subalit hindi ito dahilan upang ibalandra ang mga ito sa kahit saang sulok. Hindi lang nakaaasiwang tingnan ngunit nagiging banta rin ito sa ating kalusugan. Get’s mo ba ‘yan, kabayan?
Tuloy pa rin ang aking pagmamaneho sa kabila nito.
At dahil Bagong Taon, siyempre hindi natin hahayaan mangibabaw ang negative vibes.
Sinapawan k o i t o ng magandang mood sa pagtatamasa ng maluwag na traffic sa EDSA. Hinarurot ko ang aking sasakyan ng hanggang halos 80kph, lalo na sa tapat ng Guadalupe. Kung tutuusin, sa panaginip mo lang ito magagawa sa regular na araw.
Kinontra ko rin ang pagiging negat ibo sa pamamagitan n g p a g k a n t a h a b a n g nagmamaneho.
Sana’y araw-araw ang Pasko at Bagong Taon. Sana’y walang katapusan ang mga araw na ito na nagbibigay sa atin ng pag-asa at kasiyahan.
S a n a ’ y huwag nating kalimutan ang pagdarasal upang magpasalamat sa ating Panginoon na sa kabila ng mga matinding pagsubok ay buhay pa tayo’t kapiling ang ating mga mahal sa buhay.
Koting tiis lang, amigo, at magigising din ang mga Pinoy sa tamang landas.
K a h i t t a u n - t a o n a y n a g p u p u r s i g e n g ma i s a k a t o t o h a n a n a n g mga isinulat na New Year’s Resolution, hindi dapat itong itigil dahil lamang pumalpak nitong nakaraang taon.
Ganyan ang Pinoy. Mapursige, matibay at maka-Diyos.
Manigong Bagong Taon sa ating lahat!
-Aris Ilagan