MATUTULOY ang pagsasama sa concert nina Regine Velasquez at Vice Ganda, na kaswal lang nilang pinag-usapan nang mag-guest ang Asia’s Songbird sa Gandang Gabi Vice sa ABS-CBN noong kalilipat pa lang niya bilang bagong Kapamilya.

Untitled-1 copy

Wala pang title ang concert at ang nakalagay pa lang ay picture nina Regine at Vice at may nakasulat na “SOON.” This is a three-night concert na naka-schedule sa February 14, 15 & 16 sa Araneta Coliseum. Tickets are out starting January 10, 2019.

Wala pang ibang detalye sa concert, na produced ng Star Events, ABS-CBN Events at iME o I-Music Entertainment ni Cacai Velasquez-Mitra, kapatid ni Regine.

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

With Regine and Vice in a concert, hindi na kailangan ng guest dahil sa kanilang dalawa pa lang, kulang na dalawang oras na concert.

-NITZ MIRALLES