TARLAC CITY – Bangkay na nang datnan ang isang Pranses sa inuupahan niyang bahay sa 7th Street, Fairlane Subdivision, sa Barangay San Vicente, Tarlac City, kamakalawa ng hapon.

Sa ulat ni SPO2 Paul Pariñas, ng Tarlac City police, kinilala ang nasawi na si Alain Charles Clement, 67, pansamantalang tumutuloy 7th St., Fairlane Subdivision, Bgy. San Vicente, na pag-aari ni Arthur Villegas, ng nasabing lugar.

Sa salaysay ni Jocelyn Guiao, 40, umuupa sa katabing apartment ni Clement, ipinasya niyang i-report sa mga awtoridad ang mabahong amoy mula sa kuwarto ni Clement, at nadiskubre ang bangkay nito.

Patuloy na inaalam ang sanhi ng pagkamatay ni Clement.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Nakikipag-ugnayan na rin ang mga awtoridad sa French Embassy kaugnay ng insidente.

-Leandro Alborote