STO. TOMAS, Batangas – Nasawi ang tatlong magkakaibigan nang salpukin ng isang pampasaherong bus ang sinasakyan nilang motorsiklo sa Sto. Tomas, Batangas, kahapon ng umaga.

Kinilala ni Sto. Tomas Police information officer, Chief Insp. Erickson Go ang mga nasawi na sina Ralph Laurence Nicolas Laude, 19; Angelyn Janna Guinto Guelas, 27; at Racelle Panopio Mendoza, 20, pawang taga- Sto. Tomas.

Ayon kay Go, pauwi na ang magkakaibigan na sakay ng motorsiklo at binabagtas ang Maharlika Highway sa Barangay San Jose nang mangyari ang aksidente, dakong 3:30 ng madaling araw.

Nag-overtake umano ang motorsiklo sa isang sasakyan ngunit hindi napansin ang paparating na bus, na sumalpok dito.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang driver ng bus na si Venancio Querol, 32 anyos.

-Lyka Manalo