Nasa 30 miyembro ng New People’s Army (NPA) ang sumalakay sa Ag-agama CAFGU Active Auxillary Patrol Base sa Barangay Western Uma sa Lubuagan, Kalinga, kahapon ng umaga.

Isa ang napatay mula sa Citizen Armed Force Geographical Unit (CAFGU) Patrol Base, habang isa rin ang nasawi sa panig ng NPA.

Kaagad namang isinailalim sa heightened alert ang 503rd Infantry Brigade, at tuluy-tuloy ang combat at pursuit operations laban sa NPA.

Kinondena naman ng Northern Luzon Command (NolCom) ang hayagang paglabag ng NPA sa idineklara nitong unilateral ceasefire laban sa militar ngayong Pasko.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Matatandaang hindi tinugunan ng militar ng kaparehong tigil-putukan ang idineklarang unilateral ceasefire ng NPA ilang linggo na ang nakalipas.

-Liezle Basa Iñigo