Kaagad na gagamitin ni Pangulong Duterte ang kanyang veto power para ibasura ang ilang probisyon ng 2019 national budget na may bahid ng kurapsiyon.

Kung igigiit ng mga mambabatas na singitan ng mga proyektong may bahid ng katiwalian ang budget sa susunod na taon, lagi umanong may pangontra ang Executive Department, ayon kay Budget Secretary Benjamin Diokno.

Katwiran ng kalihim, naka-itemized sa budget ang mga proyektong popondohan sa national budget sa susunod na taon, kaya magagamit ng Pangulo ang line veto power nito.

Aniya, ang usapin ng insertion ng mga pet projects ng mga mambabatas ang pangunahing dahilan kaya patuloy na nababalam ang pagpapatibay ng Kongreso sa panukalang P3.857-trilyon national budget.

Internasyonal

1 sa 3 college students, nagse-cellphone habang nakikipagbembangan—survey

“The President, only this President—not even the US President—has what is called line item veto power. What does that mean? He can crossed out any changes from his budget that he does not like and then sign the budget and that’s okay,” ayon kay Diokno.

Beth Camia