Nagbabala kahapon ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa mga residente ng Bicol Region, Visayas at Mindanao sa inaasahang malakas na ulan bunsod ng umiiral na low pressure area (LPA) at tail-end ng cold front.

Sa abiso ng PAGASA, pumasok na kahapon sa Philippine area of responsibility (PAR) ang LPA at huli itong namataan sa layong 445 kilometro sa silangan-timog-silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.

Siniguro naman ng PAGASA na hindi ito lalakas upang maging ganap na bagyo.

Ayon sa PAGASA, ang LPA, gayundin ang buntot ng cold front ay magdudulot ng katamtaman at manaka-naka ngunit malakas na pag-ulan sa Albay, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Sorsogon, Masbate, Biliran, Eastern Samar, Leyte, Northern Samar, Samar, Southern Leyte, Cebu, Bohol, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Dinagat Island, Surigao del Norte, at Surigao del Sur.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ellalyn De Vera-Ruiz