Manipis ang supply ng bigas ng National Food Authority (NFA) sa merkado ngayon, ayon sa pangulo ng grupo ng grain retailers sa bansa.

Ayon kay James Magbanua, pangulo ng Grains Retailers Confederation of the Philippines (Grecon), walang supply ng NFA rice sa ibang outlet, dahil ibinigay umano ang supply sa mga “dedicated” outlet.

Aniya, hindi nabigyan ng supply ang mga outlet na binuksan noong kasagsagan ng mataas na presyo ng bigas.

“Manipis po ‘yung sitwasyon ng stock ng NFA, manipis po ‘yong stocking position nila,” sabi ni Magbanua. “Nai-program ho ‘yung doon sa mga dedicated outlets.”Samantala, wala nang NFA rice na ibinebenta sa ilang pamilihan sa Metro Manila at sa ibang probinsiya, at sinabi ng sangay ng ahensiya sa Western Pangasinan na itinigil nila ang pagbebenta sa retailers dahil sa dami ng commercial at household rice stocks.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Prioridad munang mabigyan ng bigas ang mga lokal na disaster risk reduction management offices at Bureau of Jail Management & Penology (BJMP) sa lugar.

Ayon naman sa NFA, dumating na sa bansa ang 280,000 sako ng bigas mula sa Vietnam, at inaasahang maipamamahagi na sa mga pamilihan sa mga susunod na araw.

-Light A. Nolasco