BATANGAS – Tatlong katao ang nasawi nang maaksidente sa magkakahiwalay na lugar sa Batangas, kamakailan.

Sa ulat ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), dead on arrival sa ospital si Rolando Ritarita, nasa hustong gulang, nang sumalpok sa konkretong poste ang minamanehong motorsiklo sa Cuenca.

Naganap ang aksidente sa national highway sa Barangay Labac, sa naturang bayan, dakong 11:35 ng gabi.

Dalawang katao naman ang binawian ng buhay nang mabundol ng sasakyan habang tumatawid sa Sto. Tomas at Batangas City.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Tumatawid si Lorna Miralles, 50, ng Sto. Tomas, Batangas, malapit sa public market sa kanilang lugar nang mabundol ng motorsiklong minamaneho ni Emilio Morada, 38, nitong Biyernes, bandang 4:15 ng hapon.

Nasawi naman si Juny Reyes, 49, ng Baken, Masbate, nang masagsaan ng isang truck na minamaneho ni Genesis Urot, 33, ng Valenzuela City, sa national road ng Bgy. Balagtas sa nabanggit na lungsod, sa ganap na 12:30 ng hapon.

Nasa kustodiya na ng pulisya sina Morada at Urot at kapwa nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide.

-Lyka Manalo