KINATAWAN ng reigning UAAP men’s champion National University, tinalo ng Team Philippines ang Malaysia, 25-14, 23-25, 25-23, 25-20, upang makopo ang semifinals berth kahapon 19th ASEAN University Games volleyball tournament na ginaganap sa Naypyitaw, Myanmar.

Nagsanib puwersa sina Bryan Bagunas at Angelo Almendras sa fourth set upang pamunuan ang Team Philippines sa pagwalis sa Pool A.

Makakatunggali ng Pinoy spikers ang No. 2 team sa Pool B sa semifinals ngayong araw na ito.

Nauna ng pinadapa ng Team Philippines ang titleholder Thailand, 30-28, 25-23, 25-19, nitong Linggo.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Dahil sa ikalawang sunod na pagkatalo, ang mga Malaysians ay lalaban na lamang para 5th at 6th slots.

Tinalo naman ng host Myanmar ang Singapore, 25-13, 25-14, 25-11, para manguna sa Pool B (2-0). Makakakatunggali ng Burmese ang Thais na pumangalawa sa Pool A makaraang tumapos na may 1-1 marka.

-Marivic Awitan