KABUUAN 48 rookie, sa pangunguna nina NCAA superstars CJ Perez ng Lyceum of the Philippines at Robert Bolick ng San Beda, ang aplikante para sa 2018 PBA Rookie Draft.

Humabol sa deadline nitong Lunes (Dec. 10) sina UAAP standout Paul Desiderio ng University of the Philippines at Diego Dario, sapat para malagpasan ang record na 44 sa nakalipas na season.
Napilitan ang liga na palawigin ang deadline ng pagsumite ng aplikasyon para bigyan daan ang mga players ng UP at Ateneo na nagharap sa UAAP Finals nitong nakalipas na Linggo.
Ipinahayag ng liga na ilalabas ang opisyal na listahan ng mga rookies sa Disyembre 14, dalawang araw bago ang nakatakdang Rookiee Drafting sa Robinson’s Place Manila.
Lahat ng rookie hopefuls ay sasailalim sa Draft Combine na nakatakda sa Dec. 12 at 13 sa Hoops Center sa Mandaluyong.
Inaasahang makukuka ang Top 3 draft nina CJ Perez, Bobby Ray Parks, at Robert Bolick. Tangan ng Columbian Dyip ang karapatan sa pagpili sa NO.1 overall pick.
Nasa listahan din ng mga maagang nagsumite ng aplikasyon sina Trevis Jackson, Matt Salem, Bong Quinto, Robbie Manalang, Abu Tratter, John Paul Calvo, Michael Calisaan, Teytey Teodoro, Javee Mocon, at Carlos Isit.
Nataaon tatlong rookie ang may pare-parohong apelyido -- Kyles Lao ng University of the Philippines, Kent Jefferson Lao ng University of Santo Tomas, at Edrian Lao ng University of the Visayas.
Sa nakalipas na Rookie Drafting, si Fil-German Christian Standhardinger ang napili ng Bluewater, ngunit kaagd ding ipinamigay sa San Miguel.
-Marivic Awitan