“GIVE me Anne anytime. She is a director’s delight at sana ay there are more like her sa industriya,” ang bungad ni Yam Laranas na director ng mystery thriller na Aurora na pinagbibidahan ng aktres. “Napakagaan niyang katrabaho at very professional,” dugtong pa ni Direk Yam .

Anne

Lalong bumilib si Direk Yam sa tapang at lakas ng loob ni Anne nang hindi magpagamit ng double sa mga underwater scenes.

Ang istorya ng Aurora ay umikot sa naganap at kuwento ng lumubog na barko kung saan marami ang nasawi. Dito ay katulong si Anne at kanyang boyfriend na ginagampanan ni Marco Gumabao na mahanap ang mga nawawalang bangkay para maibalik sa mga nagdadalamhating pamilya.

Elijah Canlas, emosyonal na inalala yumaong kapatid sa concert ni Olivia Rodrigo

Ang Aurora ay isa sa walong pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival na magsisimula na sa Disyembre 25.

-REMY UMEREZ