SA kabila ng pagdadalamhati sa pagyao ng kanyang ina at kapatid, nairaos ni Liza Lorena ang role niya sa pelikulang Three Words to Forever, na showing ngayon mula sa Star Cinema.

Liza

Para sa batikang aktres, the show must go on.

“Acting is good therapy lalo na’t mayroon kang pinagdadaanan,” sabi ng beteranang aktres.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

“In my case ay nabawasan ang grief na aking nararamdaman. Sa ganitong mga sitwasyon ay makikilala mo ang propesyonalismo ng isang alagad ng sining,” wika ng aktres who has never married.

Sa Three Words to Forever ay asawa siya ni Freddie Webb, at married sila for many years. Bida sa movie sina Sharon Cuneta at Richard Gomez, with Kathryn Bernardo.

Isa si Liza sa nicest persons na hindi nakakalimot ng mukha a t pangalan ng tao, gaya rin nina Sharon at Batangas Rep. Vilma Santos-Recto. Makulay din ang kanyang buhay, lalo na ang love life, na puwedeng gawan ng libro.

“I’ve had my shares of love and I am happy now. I enjoy the company of my grandchildren at wala na akong mahihiling pa,” sabi ni Liza

-REMY UMEREZ