NATATAWANG ikinuwento ni Vice Ganda sa It’s Showtime nitong Miyerkules, December 5, ang karanasan niya sa paggamit ng dating app na Tinder.

Sinabi ng TV host na minsan na siyang sumali sa Tinder, nang mai-share ng isang “Tawag ng Tanghalan” contestant na sa nasabing dating app niya nakilala ang kanyang boyfriend.

Kaya nga lang, ‘di tulad ng contestant, hindi pinalad s i Vi c e ma k a h a n a p n g kanyang love life at na-block pa siya sa Tinder.

“Bad trip, naka-block ako sa Tinder, eh! Kasi ‘yung mga Pinoy, akala siguro nila poser. Ni-report ako nang ni-report, naka-block tuloy ako! Hindi tuloy ako maka-swipe right, bad trip!” kuwento ni Vice sa madlang pipol.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

“Ang ganda-ganda pa man din ng picture ko doon, ‘yung naka-swimsuit ako sa Bohol. Ang dami kayang tsumitsika sa akin doon na foreigner,” kuwento pa niya.

Sinuggest naman ng co-host na si Anne Curtis na gumawa si Vice ng bagong account, kaya may mensahe si Vice sa mga naka-register sa dating app, lalo na sa mga Pinoy.

“Huwag n’yo nga ako i-block! Ang dami rin kasing Vice. Ilalagay ko, ‘Vice Ganda – Ako Po ‘To,’” biro pa niya.

P e r o mukhang h i n d i na kailangan ni Vice ang Tinder sa ngayon dahil mainit na pinag-uusapan ang kanyang rumored relationship sa basketbolistang si Calvin Abueva. Bagamat itinanggi ng dalawa na may romantic link sila sa isa’t isa at sila’y malapit na magkaibigan lang, tinawag ni Vice si Calvin na “my sunshine”.

Sa ngayon, busy din si Vice sa promotion ng kanyang upcoming Metro Manila Film Festival entry na Fantastica, na showing na sa December 25.

-Ador V. Saluta