Muling nakapiling ng 18-anyos na babaeng dating rebel Red Fighter ang kanyang magulang sa Ifugao, nitong Linggo.

Sa ulat mula sa Armed Forces of the Philippines-Northern Luzon Command (AFP-NoLCom), kapiling na ni "Ka Cindy" ang kanyang mga mahal sa buhay sa Barangay Baguinge, Klangan, Ifugao.

Naging posible ang reunion ni Ka Cindy at kanyang magulang sa tulong ng 503rd Infantry Brigade of the 54th Infantry Battalion (54IB) mula sa 5th Infantry Division (5ID).

Si Ka Cindy, na unang iniulat na nawawala at ni-recruit ng Communist New People's Army Terrorists (CNTs) limang buwan na ang nakalilipas, ay sinagip ng 54th IB habang nagsasagawa ng pursuit operations laban sa CNTs sa Ifugao nitong Nobyembre 21, 2018.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nakasama niyang muli ang kanyang magulang, si Mr. and Mrs. Darwin Bagiw, na may tulong mula sa Provincial Social Welfare and Development PSWD-Ifugao at 54th IB na kapwa tinalakay ang enrollment nito sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) ng gobyerno.

Nagpahayag ng pasasalamat ang magulang ni Ka Cindy sa 54th IB sa pagligtas at pagsagip sa kanilang anak.

-Francis T. Wakefield