Patuloy na dumadami ang bilang ng mga Pilipinong gumagamit ng Internet, base sa resulta ng third quarter Social Weather Stations (SWS) survey, na inilabas nitong Martes.

Sa survey na isinagawa nitong Setyembre 15-23 sa 1,500 respondents, lumalabas na 41% ng Filipino adults ang gumagamit ng Internet. Mas mataas ng isang puntos kumpara sa 40% noong Hunyo 2018.

Ayon sa SWS, nagpapatuloy sa pagtaas ang bahagdan ng mga Filipino internet users simula nang unang gawin ang pag-aaral hinggil dito noong Hunyo 2006, na nakapagtala ng 8%.

Noong una, naglalaro lang sa 11%-19% mula Setyembre 2007 hanggang Disyembre 2011, hanggang sa naging 23-32% mula Marso 2012 hanggang Disyembre 2015.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Pinakamataas ang naitalang paggamit nitong Marso 2018, na may 42%.

Sa Metro Manila at sa mga siyudad may pinakamaraming Internet users.

Patuloy ang pagdami ng gumagamit ng Internet sa Luzon sa 47%, habang bumaba naman ang bilang sa Visayas (37-28%) at Mindanao (29-27%).

Karamihan sa gumagamit ng Internet ay babae, 18-24 anyos, at college graduates.

-Ellalyn de Vera-Ruiz