BALIK-TRABAHO na si Tirso Cruz III pagkatapos mailibing ang panganay niyang si TJ Cruz, pero in mourning pa rin ang pamilya ni Pip sa pagkawala ng kanyang anak. Makikita ang patuloy na pagdadalamhati nina Pip sa posts nila sa kani-kanilang social media account, kung paano nila nami-miss si TJ.

Anyway, balik-trabaho na nga si Pip at kahapon ay nag-taping siya ng The General’s Daughter, at nagpasalamat sa blessings.

Hindi man nakarating si Pip sa presscon ng 2018 Metro Manila Film Festival entry ng Heaven’s Best Entertainment na Rainbow’s Sunset, nangako siyang dadalo sa premiere night ng movie sa December 18, sa TriNoma.

Ginagampanan ni Pip sa Rainbow’s Sunset ang role ni Emman Estrella, eldest son ni Eddie Garcia, at sa trailer pa lang ng pelikula ay makikita na ang husay ng aktor.

Vic Sotto, nasaktan sa ginawa ng TAPE sa Eat Bulaga

Naikuwento nina Aiko Melendez at Sunshine Dizon kung paano sila sinuportahan ni Tirso sa mga eksena nilang magkakasama para lumabas ang chemistry nila, at lumabas na tunay silang magkakapatid at hindi umaarte lang.

-Nitz Miralles