LOS ANGELES – Nabigo si Filipino contender Mark Anthony Barriga sa kampanyang mapalinya sa listahan ng mga Pinoy champion.

NATAMO ni Barriga ang unang kabiguan sa kanyang pro career. (PHILBOXING)

NATAMO ni Barriga ang unang kabiguan sa kanyang pro career. (PHILBOXING)

Naungusan ang dating SEA Games champion ni Carlos Licona ng Westminster, California sa IBF world minimumweight title via split decision nitong Sabado (Linggo sa Manila) sa Staples Center dito.

Ang laban ni Barriga ay bahagi ng undercard sa world title fight nina heavweiight champion Deontay Wilder at Tyson Fury.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nanatiling malinis ang karta ni Licona (14-0-0, 2KOs) para makamit ang IBF title, habang nadungisan ang dating malinis na karta ni Barriga (9-1-0) tampok ang isang knockout.