MAGSISIMULA nang mag-shooting ang Kapamilya actress na si Beauty Gonzales para sa bago niyang pelikulang Hilakbo, under BG Productions, sa direksyon ni Joey Romero.

Beauty copy

Excited na si Beauty dahil ang napiling location ay sa Dumaguete City kung saan daw siya nag-aral ng high school at college. Kaya lang, awkward daw sa kanya na bisitahin siya ng mga dati niyang kaibigan at schoolmate sa set dahil artista na siya ngayon at umaarte sa harap ng kamera.

“Medyo nahihiya ako na awkward. Siyempre nando’n lahat ‘yung mga barkada ko tapos umaarte ako, parang ang weird. Sana hindi sila dumalaw,” pabirong bungad ni Beauty.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Ayoko rin na panoorin nila ako. I don’t want anyone watching me and actually, I don’t like watching myself. Hindi ako nanonood ng kahit anong pelikula ko. Kahit anong mga palabas ko sa TV hindi ko pinapanood,” rebelasyon ng aktres.

Bakit naman ayaw niyang mapanood ang sarili onscreen?

“Wala lang. Ganu’n lang akong tipong tao. At saka hindi ko rin lang talaga nakasanayan.”

Nakasanayan na niyang mag-drama pero ang Hilakbo ang una niyang horror film.

“First time ko to do horror and malaking challenge ito kasi nga challenge talaga na takutin ‘yung mga tao na hindi sila matatawa sa akin. Kasi baka matawa sila kapag nagsalita na ako. So, exciting siya instead of natatakot ako,” sagot niya.

Pero kahit horror ang gagawing pelikula, hindi naman daw siya fan ng ganitong genre.

“No. Ayoko ng horror,” pag-amin pa niya. “You can never let me go to a film na horror. Kaya nga sabi ng asawa ko manood na raw ako kahit isa lang. I mean, I’ve seen before pero talagang nagtatago ako.

“At saka, why will I pay something to scare me? I don’t want to be entertained that way. Ang gusto ko happy lang or iyak, okay, drama. Pero I wouldn’t pay something to scare me, ‘yon ‘yung sa akin, ha,” katwiran pa ng aktres.

-Ador Saluta