MAINIT na tinanggap ng publiko, specifically the millenials, ang tambalang James Reid at Nadine Lustre.

Real-and-reel ang love team ng JaDine, at mainit noong pinagusapan ang umano’y live-in arrangement nila, pero hindi ito nakaapekto sa pagtanggap sa kanila ng fans.

P e r o a f t e r n g m o v i e nilang Never Not Love You last February, sa bagong project ni Nadine sa Viva Films ay hindi na si James ang kanyang leading man. Ulan ang pamagat ng pelikula, at ayon sa Viva ay ibang Nadine ang mapapanood sa pelikula.

Matatandaang hinirang na the sexiest woman si Nadine ng isang men’s magazine, at ito marahil ang nag-udyok sa Viva para baguhin ang imahe ni Nadine.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sa madaling salita, they will capitalize sa pagiging “sexiest woman” ng girlfriend ni James.

Nauna nang naibalita na si Xian Lim ang leading man ni Nadine sa Ulan, pero kalaunan ay pinalitan siya ni Carlo Aquino. Isa pang project ang inihahanda para kay Nadine, ang Indak, kung saan si Sam Concepcion naman ang leading man niya.

-Remy Umere