NAAAWA na kay Mikee Quintos ang mga netizens na sumusubaybay sa top-rating primetime family drama series na Onanay. Wala raw yatang gabi na napanood nila na hindi nakatikim ng sampal si Mikee, sa pangunguna ni Ms. Cherie Gil as Helena, na galit na galit lagi kay Mikee as Maila, kahit wala naman itong nagagawang kasalanan sa kanya.

Mikee copy

Hindi rin pahuhuli si Natalie (Kate Valdez) sa pananampal kay Maila na may kasama pang sabunot, lalo na kapag nagseselos siya dahil kay Oliver (Enrico Cuenca) na mas pinili si Maila kaysa kanya.

Isa pa ring laging sumasampal kay Maila si Imelda (Vaness del Moral), na hindi matanggap na si Maila ang minahal ng anak niyang si Oliver, dahil hindi raw ito karapat-dapat sa pamilya dahil anak ito ng isang rapist.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Hindi ba nagrereklamo si Mikee na tuwing may eksena siya sa Onanay ay nasasampal siya? Minsan nga raw nagbibilang na ang netizens kung nakailang sampal si Mikee sa isang gabi.

“Hindi naman po, kasama na iyon sa work namin,” saad ni Mikee. “Tinuturuan po naman kami kung paano mag-fake ng sampal, pero kung minsan, hindi talaga maiwasan kung nagkakatamaan. Minsan din po kung intense ang scene, mas gusto mo iyong ituloy ang sampal sa iyo, para mas makita ang reaction mo. After po naman ng scene, kung nagkatamaan, nagso-sorry naman kami sa isa’t isa.”

Balitang aabot pa next year ang Onanay kaya excited na ang mga televiewers malaman ang puwedeng mangyari sa magandang pakikitungo ni Lucas (Wendell Ramos) kay Onay (Jo Berry), ang ina ni Maila. Kailan daw malalaman na magkapatid sina Maila at Natalie?

Last Friday, stranded sa island sina Maila at Natalie at mukhang nagkakamabutihan na ang dalawa, pero may mangyayari kay Natalie na tiyak na isisisi na naman kay Maila. Iyon ang dapat abangan this week sa Onanay, gabi-gabi pagkatapos ng Cain at Abel.

-Nora V. Calderon