GAPAN CITY -Timbuwang ang umano’y carnapper nang makipagbarilan umano sa mga pulis sa Maharlika Highway, Barangay Sto. Cristo Norte, Gapan City, kamakalawa.
Nasawi si Joseph Adriano, 34, ng Bgy. Gomez, Sta. Rosa, Nueva Ecija, dahil sa mga tama ng bala sa katawan.
Sa ulat, naharang ng mga pulis ang suspek sa isang checkpoint ngunit sa halip umanong sumuko ay pinaputukan nito ang mga awtoridad.
Napatay si Adriano makalipas ang ilang minutong engkuwentro.
Narekober sa pinangyarihan ang isang .38 caliber revolver; 4 na bala; 2 dalawang basyo ng .38 caliber revolver; 4 na basyo ng .9mm caliber pistol; pakete ng umano’y shabu; at isang motorsiklo (CA-59328).
Ang suspek ay positibong kinilala ng kapatid na si Jennifer Adriano Borras, 41.
-Light A. Nolasco