Hinamon ni Pangulong Duterte si Communist Party of the Philippines-National Democratic Front (CPP-NDF) founding Chairman Jose Maria Sison na magharap ng “final draft” peace agreement sa harap ng panukalang magkaroon ng informal talks ang pamahalaan at ang komunistang grupo.

Sison

Sison

Tiniyak ni Duterte na hindi aarestuhin ng mga awtoridad ang mga NDF consultant na sina Fidel Agcaoili at Luis Jalandoni kung babalik sila sa bansa para sa panibagong pakikipag-usap sa mga kinatawan ng pamahalaan.

“I’ll talk to Sison. Give me the final draft and if I like it, I’ll pass it on to the military and the police,” paliwanag ng Pangulo nang dumalo sa inagurasyon ng Cavite Gateway Terminal sa Tanza, Cavite, nitong Huwebes.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Plano rin ng Presidente na idaan kina Senate President Vicente Sotto III at House Speaker Gloria Macapagal Arroyo ang peace proposal.

-Genalyn D. Kabiling