Ipinost ni Carla Abellana ang comments ng viewers sa Wednesday episode ng seryeng Pamilya Roces, kung saan nabuking na ni Crystal (Carla) ang affair asawang si Hugo (Rocco Nacino) at kapatid niyang si Amber (Sophie Albert). Puring-puri ang acting ni Carla sa naturang episode kaya naman proud siyang ipakita ang mga positibong komento sa kanya ng netizens.

Carla copy

“MARAMING MARAMING SALAMAT PO sa lahat ng nanood ng #PamilyaRoces kagabi! Nakakataba po ng puso ang inyong mga pagbati at papuri. Marami pa kayong sampal, tulak, suntok, sabunot at iyak na dapat abangan,” post ni Carla.

Ilan sa nabasa naming comments, “Hands down. You never fail to deliver. Another iconic scene from no less than Ms. Carla Abellana. Grabe my tears last night and I’m pretty sure there will be more tears tonight! You are AMAZING. The best of your generation.”

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

M a y n a g - comment din ng “Great portrayal last night. You’re truly an amazing actress, congrats and proud fan here,”

Singit pa ng isa, “Sobrang ginalingan talaga walang kakupas kupas my best actress.”

May humirit pa ng, “The most awaited scene @carlaangeline your’e the best actress we love you so much thumbs up ako sa galing mo” at “Galing mo sa mga ganitong scene lalo na yung binugbog mo si Amber.”

Sa isang interview, nabanggit ni Carla na may konting kaba siya nang tanggapin ang role ni Crystal dahil bida-kontrabida ang role na ito at first time niyang gumanap bilang istrikta, mataray at subsob sa trabaho. Pero hindi siya nagdalawang-isip na tanggapin ang role ni Crystal dahil challenge sa kanya ito.

Samantala, may rason si Carla kung bakit ayaw na sana niyang i-entertain ang mga tanong tungkol sa planong pagpapakasal nila ng boyfriend niyang si Tom Rodriguez.

Eh kasi naman, paulit-ulit ang tanong at wala rin namang bago sa mga isinasagot niya, dahil totoo namang wala pa silang balak magpakasal sa ngayon. ‘Wag natin silang madaliin.

-Nitz Miralles