KAPWA pumirma kamakailan ng kontrata sa GMA Records sina Bianca Umali at Jeric Gonzales, na parehong ready nang sumabak sa mundo ng musika.

Bianca at Jeric

“Now that I am with GMA Records, sobrang saya ko dahil pangarap ko talaga ito. It’s one of my dreams to have a single,” sabi ni Bianca.

Likas naman kay Jeric ang paggawa ng kanta, kaya naman sobrang saya niya ngayong opisyal na siyang recording artist.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Mas makikilala nila ako. Makikita nilang kaya ko ring tumugtog ng gitara, piano, at drums. May mga kanta akong gagawin based on personal experiences na may mga hugot. I’m sure makakarelate rin ang listeners,” sabi ni Jeric.

Natutuwa si GMA Network Chief Financial Officer and GMA Records Executive Vice President Felipe S. Yalong sa pagpirma nina Bianca at Jeric bilang pinakabagong recording artists ng GMA Records.

“I’m so happy. Finally, Bianca realized her love for music as she grows in the Network. As she has said, it’s her dream to become a singer and to perform. Now, it’s turning into reality already,” sabi ni EVP Yalong.

“For Jeric, natutuwa kami dahil it’s long overdue. He’s really a good singer. I am happy, together with GMA Records, that they finally signed with us,” dagdag pa niya.

Ilalabas nina Bianca at Jeric ang kani-kanilang individual singles sa ilalim ng GMA Records