MAGANDA ang pagsasama ng mag-asawang Solenn Heussaff at Nico Bolzico. Pagdating sa pera, equal ang sharing nila sa mga gastusin sa kanilang household. Wala silang pakialaman sa kinikita ng bawat isa at hindi nila alam ang laman ng kani-kanilang bank account.
“Oo, kasi walang akong paki,” natatawang sabi ni Solenn sa interview sa kanya sa Cain at Abel na isa siya sa mga bida. “Hindi alam ni Nico kung magkano ang pera ko, but he knows how much I earn, but he doesn’t know kung may savings ako or wala. May joint account kami na every month same ‘yung amount na inilalagay namin.
“Kaya ‘pag kailangan kong magbayad ng bills for the house o ng kailangan sa bahay, du’n ko kinukuha. Kapag nag-travel ako, sa bank account ko kinukuha, ‘pag siya naman nag-travel, sa bank account niya kinukuha, very modern.
“I think it’s healthy, kasi if you think about it in life in general, not just marriage, but friends, business. ‘Pag may away kasi ang mag-asawa, it’s always financial, it’s always about money. Kaya never kaming nag-away dahil sa pera.”
Next year pa raw nila planong magka-baby. May app daw siyang ginagamit, it’s like a period chart. “’Pag my ovulation, bawal, ganu’n, pero ready na ako for the last 3 years and even si Nico, but I mean, we’re ready anytime now.”
Okay lamang ba kay Nico ang app na iyon?
“Sabi ko sa kanya, kung ikaw ang mag-carry ng baby okay gawin natin ngayon. For the last two years ready na kami, but we’re not trying.”
Okay lang ba kay Solenn kung tumaba siya kapag nabuntis na siya?
“I live a healthy lifestyle naman and imagine ‘yung feeling na you’re carrying a human being, only women have the power to do that. Pero kahit buntis pwede namang mag-exercise saka kumain lamang like ng kumakain ka na single ka, kahit pregnant ka na.”
Pero sa ngayon nga ay hindi pa siya puwedeng magbuntis dahil kasisimula pa lamang niyang mag-taping ng Cain at Abel as Abigail, ang leading lady ni Dingdong Dantes. Second teleserye na nila ito ni Dingdong.
“Mas mabigat ang role ko rito, dahil may drama. Love interest ako ni Dingdong sa simula, may konting kissing scenes, but iyong drama part talaga mabigat dahil I’m working with the two kings of GMA, at I’m amazed kapag napapanood ko ang interaction nina Dingdong at Dennis who play brothers sa action-packed series.”
Napapanood na gabi-gabi ang Cain at Abel pagkatapos ng 24 Oras
-NORA V. CALDERON