SA Saturday show ni Ogie Diaz na OMJ sa DZMM, kasama si MJ Felipe, pinuri nang husto ng una ang magandang pagkakagawa sa pelikulang Through Night and Day, na palabas na ngayon sa mga sinehan at pinagbibidahan nina Alessandra de Rossi at Paolo Contis.

Paolo at Alessandra

Pinuri niya in particular ang direktor ng pelikula na si Veronica “Ronnie” Velasco, dahil sa husay sa iba’t ibang aspeto ng pelikula tulad ng editing at cinematography.

Feel na feel ni Ogie ang kagandahan ng Iceland na gusto niyang maging dream destination tulad ng isinasalarawan ng mga karakter nina Alessandra at Paolo sa kuwento.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Dahil nga sa maayos na pagkakagawa ng pelikula kaya Ogie is endorsing the movie. Sabi pa niya, kung sakaling may magsasabi sa kanya na hindi okay ang pelikula ay handa raw siyang pasampal.

Seryoso ka ba, Ogie?

At puwede bang alamin mo kung may koneksiyon sa Through Night and Day ang pagpapakalbo ni Alessandra, na bumulaga sa lahat sa premiere night ng movie. Ginawa na ‘yun minsan ng American singer na si Britney Spears, remember?

-REMY UMEREZ