ATLANTA (AP) — Pinangunahan ni Montrezl Harrell na may 25 puntos at 11 rebounds ang Los Angeles Clippers sa 127-119 panalo kontra Atlanta Hawks nitong Lunes (Martes sa Manila).

Nag-ambag si Lou Williams ng 16 puntos at season-high 11 assists.

Hataw din si Tobias Harris na may 24 puntos, habang kumubra si Mike Scott ng season-high 18 puntos tampok ang anim na three-pointers.

Nanguna sa Hawks si Trae Young na may 25 puntos,habang kumabig si Taurean Prince ng 21 puntos.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Sa iba pang mga laro, nagwagi ang Milwaukee Bucks, sa gabay ni Giannis Antetokounmpo na may 29 puntos, kontra Fenver Nuggets; ginapi ng Memphis Grizzlies ang Dallas Mavericks, 98-88; Hataw ang Philadelphia 76ers kontra Phoenix Suns, 119-114.