TALK of the town ang digital film na Glorious na libreng napanood sa iWant handog ng Dreamscape Digital nitong Nobyembre 17.

Tony at Angel

Ang saya-saya ng lahat ng taong nasa likod ng Glorious lalo na ang mga bidang sina Angel Aquino at Tony Labrusca at siyempre ang sumulat at nagdirek na si Concepcion ‘Connie’ Macatuno dahil sa magagandang feedback.

Pero napalitan agad ito ng lungkot at panlulumo dahil napirata kaagad ang pelikula ni Direk Connie. Ibinahagi niya sa kanyang FB page ang post ng Glorious The Movie.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Eto tayo o. Habang marami ang nagta-tyaga na mag-install at mag-register sa IWANT to watch GLORIOUS, merong ganito.

“Paging DANTE E. FANCUBILA and MARK ANTHONY ARANA at lahat ng nanood sa link na pinasa nila: ‘wag ninyong nakawin ang pagkakataon para sa karamihan. Ibinigay na po ito ng libre at gamitin sa tamang platform. “Pls respect naman po sa pag-aari at pinaghirapan ng buong GLORIOUS team, sa ABSCBN, sa IWANT, at sa Dreamscape Digital. “If you know these people, at iba pa na namimirata sa pelikulang ito, na nag papasa sa mga messenger groups ninyo, pls link them to us.”

Oo nga, bakit kailangan pa itong ipirata, e, libre naman na itong mapapanood sa iWant?

-REGGEE BONOAN