TAMA kaya ang intindi ng mga nakabasa sa post ni Zsa Zsa Padilla sa Instagram (IG) na “I acted like it wasn’t a big deal, when really it was breaking my heart” na galing sa curiano.com, na ito ay patungkol sa pagre-reformat ng ASAP?

Zsa Zsa at Regine

May tsika kasing hindi na regular na mapapanood si Zsa Zsa sa ASAP Natin ‘to at twice a month na lang daw ang appearance niya sa show, kaya hindi niya maiwasang malungkot.

Hindi nag-comment si Zsa Zsa sa kanyang post, sa halip, isang emoji ng pusong wasak lang ang ipinost niya. Hindi rin kami nakapanood ng ASAP Natin ‘to, kaya hindi namin alam kung kasama siya sa performers kahapon.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Ilan sa nag-comment sa post ni Zsa Zsa ay si Martin Nievera at sabi niya, “Ayyy Zsa Zsa I love you.”

Mababasa rin ang comment ni Erik Santos na “I love you Nay @zsazsapadilla”; at ni Giselle Sanchez na, “We love you @zsazsapadilla.”

Hindi sinagot ni Zsa Zsa ang mga tanong ng followers niya kung out na ba talaga siya sa ASAP Natin ‘to. Lalong hindi niya sinagot ang tanong kung naapektuhan ba siya sa pagpasok ni Regine Velasquez sa naturang show.

-NITZ MIRALLES