Nagpiyansa kahapon si Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos ng P150,000 habang nireresolba pa ng Sandiganbayan Fifth Division ang mosyon niya kaugnay ng hatol sa kanya na makulong ng hanggang 77 taon sa pitong kaso ng graft kamakailan.

SA PULA, SA KONTRA! Nagkani-kanyang protesta ang mga anti- at pro-Marcos (na nangakasuot ng pula) malapit sa Sandiganbayan sa Quezon City kahapon, kasabay ng pagdinig ng anti-graft court sa mosyon ni Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos para magpiyansa makaraang mahatulang makulong sa pitong kaso ng graft.  (KEVIN TRISTAN ESPIRITU)

SA PULA, SA KONTRA! Nagkani-kanyang protesta ang mga anti- at pro-Marcos (na nangakasuot ng pula) malapit sa Sandiganbayan sa Quezon City kahapon, kasabay ng pagdinig ng anti-graft court sa mosyon ni Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos para magpiyansa makaraang mahatulang makulong sa pitong kaso ng graft.
(KEVIN TRISTAN ESPIRITU)

“As the Court ordered the forfeiture of the cash bail bonds of accused Imelda R. Marcos in its Order dated November 9, 2018, she was required to post anew cash bonds in the same amount of the forfeited bonds,” saad sa order na ipinalabas kahapon.

“Today, she posted cash bond in the amount of P150,000 under Official Receipt No. 5497607 V dated November 16, 2018, for her provisional liberty. Finding the said bond in order, the same is hereby approved. She may, therefore, be released from the custody of the Court,” saad pa sa utos ng korte.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nilinaw na ang P150,000 piyansa ay para lang sa pansamantala niyang kalayaan, habang sinisikap niyang mapapayag ang korte na pahintulutan siyang makapagpiyansa nang panibago habang iniaapela niya ang hatol sa kanya.

“If we approve (ang mosyon), we will order her to post double the bail amount. If denied, then wala na. We will issue a warrant,” ipinaliwanag ni Fifth Division Chairperson Rafael Lagos sa pagdinig.

Isinumite na for resolution ang mosyon ng dating First Lady, kasama ang kanyang affidavit at ang komento ng prosekusyon.

MAY PITONG SAKIT

Sa kanyang affidavit, iginiit ng 89-anyos na kandidato para gobernador ng Ilocos Norte na mayroon siyang pitong sakit na kinakailangan ng tutukang gamutan. Kabilang dito ang diabetes mellitus - type 2, alta-presyon at atherosclerotic cardiovascular disease, status mini strokes, sensorinureal hearing loss, chronic recurrent urinary tract infection, chronic recurrent gastritis at multiple colon polyps, at pabalik-balik na respiratory tract infection.

Isang araw bago ang nakatakdang promulgation sa kanya, dumanas umano si Marcos ng high blood pressure at pagkahilo kaya nahihirapan din siyang mapagkatulog.

WALANG ALAM SA HATOL

“Due to the fatigue I suffered from the night before, which was compounded by the effects of my medication, I woke up later than usual on November 9. Despite feeling groggy, I managed to turn on the television and it was only then that I learned about the scheduled hearing,” saad sa affidavit ni Marcos.

Dagdag pa niya, hindi naipaalam sa kanya ng abogado niyang si Atty. Robert Sison ang tungkol sa mga pagdinig, dahil may iniinda ring mga sakit ang abogado.

“It turns out that an envelope from the Court was received by my cook and she placed the same in the room of my secretary, Shirley Torio. Unfortunately, Ms. Torio was not with me that week because she had to return to the province to attend the funeral of her aunt,” sabi pa ni Marcos.

KAKANDIDATO, NAG-PARTY

Sa komento naman ng Office of the Ombudsman, iginiit nitong may “colorful imagination” ang doktor ni Marcos at ang “strict orders” nito sa kongresista na umiwas sa mga bagay na nakaka-stress ay isa lamang “fiction”.

“Accused Marcos is the incumbent Representative of the 2nd District of Ilocos Norte since 2010. She occupies a very stressful position in the government for a patient suffering multiple organ infirmities and yet her doctor did not ‘urge’ her to step down,” giit pa ng oposisyon.

Binanggit din ng prosekusyon ang paghahain ni Marcos ng kandidatura para sa eleksiyon sa susunod na taon, gayung tiyak nang sasailalim ito sa “rigors and severities” ng pangangampanya, bukod pa sa dumalo ito sa “63rd birthday party of her daughter...in high spirits and unperturbed at the old Marcos residence in San Juan.”

-CZARINA NICOLE O. ONG at JUN FABON