MULING sasabak sa action si Dingdong Dantes sa teleseryeng Cain at Abel, with Dennis Trillo.

Isa sa makapigil-hiningang stunt ni Dingdong ay ang habulan sa rooftop, at sa isang iglap ay tatalong pababa sa lupa si Dingdong. Pamilyar ang mga ganitong stunts sa mga pelikula ni Jackie Chan, na kilalang hindi gumagamit ng double.

Sa Cain at Abel, hindi rin nagpapadobol si Dingdong, gayundin si Dennis.

“Ayokong dayain ang manonood because they deserve the best,” sabi ni Dingdong. “I know my limits at hindi ako magpipilit kung lubhang mapanganib ang action scene.”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Dream project para sa dalawang Kapuso actors ang Cain at Abel, at kapwa sila determinadong ibuhos ang lahat to make the teleserye worth viewing.

-Remy Umerez