Laro Ngayon

(Cuneta Astrodome)

6:30 n.g. – Alaska vs Meralco

TANGAN ang momentum, target ng Alaska Aces na makausad sa Finals, habang asam ng Meralco Bolts na mahila ang serye sa ‘winner-take-all’ sa kanilang muling paghaharap sa krusyal Game 4 ng PBA Governor’s Cup best-of-five semifinal series ngayon sa Cuneta Astrodome.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

NAPAHIYAW sa labis na kasiyahan ang Alaska Aces nang maisalpak ni import Mike Harris ang three-pointer na kinapitan ng koponan para maisalba ang 104-102 panalo kontra Meralco Bolts para sa 2-1 bentahe ng kanilang best-of-five semifinal match-up sa PBA Governors Cup. (RIO DELUVIO)

Nakamit ng Aces ang 2-1 bentahe nang gapiin ang Bolts, 104-102, nitong Huwebes. Sa muling paghaharap sa Cuneta Adtrodome ganap na 6:30 ng gabi, inaasahang ilalabas ng Alaska ang nalalabing alas para tapusin ang serye.

Inaasahang muling mangunguna sa Aces si import Mike Harris na kumabig ng todo sa dikitang duwelo sa Game 3.

Handa rin para maisalba ang Bolts ang beteranong si Allen Durham.

"I’m very confident. We can make it," pahayag ni Durham.

Marivic Awitan