SA wakas, napaamin din ni Boy Abunda si Kim Chiu, sa November 14 episode ng Tonight With Boy Abunda, tungkol sa totoong estado ng relasyon ng aktres sa matagal nang ka-love team na si Xian Lim.

Xian & Kim_LEFT

Inamin ni Kim na boyfriend niya si Xian.

Na-curious lang si Kuya Boy kung bakit nahihirapan sina Kim at Xian na aminin sa madlang pipol ang totoong estado ng kanilang relasyon?

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

“Alam naman na… oo naman. Alam naman na ng mga tao,” sabi ni Kim.

Bakit hindi nila direktang maamin na “officially together” na sila?

“Tito Boy, grabe po ‘yun. Mahirap po yun sa 28 years old,” pabirong sagot ni Kim.

Pero sa huli, kinumpirma ng aktres ang relasyon kay Xian: “Oo naman. Oo naman. Yes.”

Kung sa palagay niya ay si Xian na ang Mr. Right, kasunod ba nito ang planong pagpapakasal nila?

“Ay, grabe! Hindi ko pa alam, Tito Boy. Wala pa ‘yung isip ko sa ganun,” sagot ni Kim.

Hindi pa ba niya naiisip magpakasal, dahil 28-anyos na rin naman siya?

“Wala pa. Wala sa isip ko ngayon.”

Hindi pa raw nila pinag-uusapan ni Xian ang kasal.

“Hindi namin pinag-uusapan din. Kasi siya din (ayaw pa). Marami pa kaming priorities, marami pa kaming gusto sa buhay. And bata pa naman.

“Ngayon naman, ang mga career women, 30 plus na nila iniisip [magpakasal]. ‘Pag 30 na sila, dun na sila naghahanap [ng mapapangasawa].”

Nabuo ang tambalang Kim at Xian—o KimXi—nang ipareha sila sa ABS-CBN primetime series na My Binondo Girl noong 2011.

Dito rin sila nagsimulang ma-link romantically.

-ADOR V. SALUTA