MINSAN nang natanong si Toni Gonzaga kung ano ang pipiliin niya between career at family, at walang kagatol-gatol niyang sinabi na pamilya ang pinakamahalaga para sa kanya.

Toni

Muling binigyang-diin ni Toni ang kahalagahan ng pamilya nang mag-guest siya sa Tonight With Boy Abunda kamakailan.“I saw how my parents value having a family. Ito rin ang hangad ko sa buhay. I deserve a complete family and we, my husband Paul (Soriano) and I are working hard to achieve it,” sinabi ni Toni kay Boy Abunda.

Plus factor sa pagpapatibay ng kanilang pagsasama ang pagkakaroon nila ng anak, si Seve. Isang yakap lang daw ng anak ay napapawi na ang anumang pagod na nadarama ni Toni.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Larawan ng isang mapagmahal na asawa at ina si Toni. At ngayon ay first time producer at bida rin siya sa pelikulang Mary, Marry Me. A family affair, she quips, dahil kasama sa cast ang sister niyang si Alex Gonzaga at ang direktor ay walang iba kundi ang kanyang mister na si Direk Paul.

Isa itong feel good movie na kalahok sa Metro Manila Film Fest (MMFF) ngayong Disyembre.

-REMY UMEREZ