May 22, 2026

Home SHOWBIZ

Dingdong, nalulungkot sa magiging kinabukasan ng mga anak

Dingdong, nalulungkot sa magiging kinabukasan ng mga anak
Photo Courtesy: Dingdong Dantes (IG)

Inamin ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes ang pangamba niya bilang ama para sa kaniyang mga anak dahil sa kalagayan ng mundo sa kasalukuyan.

Sa latest episode ng “KC After Hours” noong Sabado, Abril 4, sinabi ni Dingdong na nalulungkot umano siya sa maiiwan nilang mundo para sa kaniyang mga anak.

“Sobra ‘yong pangamba. Pangamba, lungkot, at parang panic. Kung walang malaking pagbabagong mangyayari, e nakakalungkot na ganitong mundong mai-inherit nila ng ating mga anak,” saad ni Dingdong.

Dagdag pa niya, “That’s why, syempre, even as storytellers, as actors, as people in media parang it’s good that we show the realities of today through the characters we portray, through the stories that we tell. Pero ang tanong, eh sino ang sasagot sa katotohanang ito na sana ay magbago dahil ayaw natin itong mamana ng ating mga anak sa susunod na henerasyon?”

Kaya naman umaasa at nananalangin si Dingdong na sana ay mabago ang sitwasyon ng lipunan sa dadakuhing panahon.

Tsika at Intriga

Andrea Del Rosario, nagbiro sa mga may pic kasama si Bato: 'Lahat kayo for questioning daw!'

Nakaugat umano ang pag-asang ito sa mga bata at bagong lider na nakikita niyang may kakayahang mamuno sa kabila ng mga pagsubok.

Matatandaang noong Disyembre 2025 ay minsan na ring naglabas ng saloobin si Dingdong kaugnay sa talamak na korupsiyon sa gobyerno.

“Early this week,” sabi niya, “while watching the hearings with my wife—as stories of corruption unfolded—we asked ourselves: What kind of future will our children inherit? Will they grow up in a society that values truth, integrity, and compassion, or one that normalizes deceit and greed?”

Gayunman, naniniwala pa rin umano siya na may mga tao at pinuno pa ring nananatiling mabuti na hindi sumusuko.

Maki-Balita: Dingdong sa nangyayaring korupsiyon: ‘What kind of future will our children inherit?’