HABANG tinitipa namin ang balitang ito ay kasalukuyan naming pinanonood ang music video ng awiting Sa Mga Bituin Na Lang Ibubulong ni JM De Guzman, na grand winner sa katatapos na Himig Handog 2018. Ang kanta ay isinulat ni Kyle Raphael Borbon.

JM copy

Hindi nakarating ang singer/actor sa grand finals ng Himig Handog 2018 dahil maysakit siya at hindi rin niya kayang kumanta dahil sa masakit na lalamunan, kaya hinayang na hinayang siya.

Si Jason Dy ang nag-interpret ng Sa Mga Bituin Na Lang Ibubulong na napanood sa ASAP nitong Linggo at in fairness, maganda rin ang version ng grand winner ng The Voice 2nd season.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Pero siyempre, iba pa rin ang bersyon ng orihinal na kumanta kasi iba ‘yung hagod at lambing ng boses ni JM.

As of this writing ay nasa Boracay Island si JM kasama si Arci Muñoz para sa romantic-comedy film nila, sa direksyon ni Eduardo Roy, Jr. Si Direk Eduardo ang nagsulat ng Pamilya Ordinaryo (2016) at (ang dalawang pelikulang hindi namin tanda kung ipinalabas sa Pilipinas), ang Bahay Bata (2011) at Quick Change (2013).

Ang ganda ng 2018 kay JM dahil pagkatapos ng top rating show niyang Araw Gabi ay heto at nanalo pa siya sa Himig Handog. Pagkatapos ng ilang taong bakasyon ay balik-pelikula siya sa Kung Bakit Siya Nawala kasama si Rhian Ramos, handog ng TBA Studios.

May advance screening ngayong tanghali para sa pelikulang Kung Bakit Siya Nawala, makakarating kaya si JM?

-REGGEE BONOAN