Kung hindi makalos ng POC ang NSAs, SEAG hosting

IKINABAHALA ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William ‘Butch’ Ramirez ang patuloy na pananahimik ng Philippine Olympic Committee (POC) sa mga gusot at kinasasadlakang suliranin ng mga National Sports Association (NSAs).

Iginiit ni Ramirez na kung walang kongkretong aksiyon ang POC, iminungkahi niyang iatras na lamang ng Olympic body ang hosting para sa 2019 Southeast Asian Games.

“We have to listen to the complaints and bring these complaints during the PSC and POC consultative meeting, these are legitimate complaints, act on these because these have not been acted for a long time, if not do not put us as host in the SEA Games, because I already have an approval from the President we will stop funding. No liquidation no funding,” pahayag ni Ramirez.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nagsasagawa ng consultative meeting ang PSC kasama ang iba pang sports stakeholders para maiporma ang programa ng bansa sa susunod na taon at diretsang sinabi ni Ramirez na malaking abala ang patuloy na ‘leadership dispute’ sa mga NSAs, gayundin ang tila tengang-kawali na reaksyon sa memorandum ng PSC hingil sa mahigit P120 milyon na ‘unliquidated advances’ ng mga NSA at mismong ang POC.

“Nagdesisyon na kami sa PSC Board at may go signal na ang Pangulong Duterte sa aming ‘no liquidation, no budget’ sa mga NSAs. Kaya huwag naman kami ang sisihin ninyo,” sambit ni Ramirez.

Nilinaw ni Ramirez na hindi apektado ang allowances ng mga atleta mula sa mga ‘problematic NSA’ gayong ipinatutupad nila ang ‘direct-to-the-athletes scheme’ sakaling may lahukang torneo o training ang mga ito sa abroad.

Wala ring direksyon ang mga NSAs na magpahanggang ngayon ay natatali sa problema sa liderato dahil sa kawalan ng aksyon ng POC para maresolba ito.

Sa ksalukuyan, balot pa rin ng problema sa liderato ang volleyball, ji-jutsu, bowling, wrestling, weightlifting, table tennis at swimming.

“The PSC will not solve the problem. We cannot solve the problem because the matter of the NSAs is internal. Ang POC ang kailangan umayos dyan,” ayon kay Ramirez.

-Annie Abad