HINDI na nakapagtimpi si Vice Ganda at binanatan na ang bashers sa kanilang It’s Showtime episode nitong Martes:

Vice copy

“Nagtataka ako sa mga bashers na ‘yan, lalo na ng mga artista. Bash sila nang bash du’n sa mga artista, pero pina-follow nila ang mga artista. Bash sila nang bash du’n sa mga artista, pero pinapanood nila ‘yung artistry. Bash sila nang bash sa mga artista pero pinakikinggan nila ‘yung kanta ng mga artista. Parang tanga! Eh ayaw n’yo palang makita, galit pala kayo edi iwasan ninyong makita, iwasan ninyong pakinggan, bakit tinututukan ninyo, tanga ka?”

“Tapos walang picture,” sabi naman ni Vhong Navarro. “Alam mo gumawa lamang sila ng account para i-bash ka.”

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

“Oo,” ganting sagot ni Vice. “Pagkatapos kapag tiningnan mo ang picture, itlog?”

Ang dami talagang ganyan, gagawa sila ng account, kapag tiningnan mo, “this account is private”. Walang picture, wala pang post, walang pang followers. Alam mong ginawa lamang nila ang account para nga manira. Kaya kahit block and delete ka, gagawa lamang sila ng ibang account, ganoon pa rin. Kung may picture man, alam mong hindi iyon ang totoong picture dahil minsan babae ang may-ari ng account pero picture ng lalaki naman ang naka-post.

Kaya tama ang iba na sabihing mga walang buhay ang mga taong ito, gusto lamang nilang manira lalo na kung hindi naman totoo ang paninira nila sa mga artista o celebrities.

-Nora V. Calderon