Pinaalalahanan ng Department of Labor and Employment (DoLE) ang mga employer sa pribadong sektor na sumunod sa wastong pagbabayad ng sahod sa mga manggagawang magtatrabaho sa mga regular at special non-working holidays sa Nobyembre.

Sa Labor Advisory No. 16 na nilagdaan ni Labor Secretary Silvestre Bello II, nakadetalye ang pagkuwenta sa sahod ng manggagawa nitong Nobyembre 1 at 2 (Undas), ideneklarang special non-working holidays; at Nobyembre 30 (Bonifacio Day), isang regular holiday.

Sa Nobyembre 30, ang mga empleyado ay babayaran nang 100% ng kanilang sahod sa naturang araw, 200% kung magtatrabaho, may karagdagang 30% kung overtime, at 30% pa kung matatapat sa kanilang day off.

-Mina Navarro

Bretman Rock, ibinida ang Filipina Barbie Doll na likha ng Fil-Am artist