Kung sa tingin ng grupo ng mga manggagawa sa Metro Manila ay hindi sapat ang inaprubahang P25 umento, malaya ang mga itong maghain ng panibagong petisyon para maitaas pa ang minimum wage sa National Capital Region (NCR).

Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na walang problema kung maghain ng panibagong petisyon ang labor groups, dahil bukas naman ang gobyerno sa ganitong usapin, ngunit binigyang-diin niya na may proseso pa rin na kailangang ipatupad para rito.

Nilinaw naman ng National Wages and Productivity Commission (NWPC) na maaaring umapela na itaas pa ang P25 umento sa minimum wage 10 araw matapos itong mailathala sa mga pahayagan.

Gayunman, inamin ng NWPC na walang nagtagumpay sa mga naunang apela sa umento, kahit pa umabot ito sa Korte Suprema.

National

DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara

-Mina Navarro