Muling binalasa ni Commissioner Caesar R. Dulay ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang revenue district officers (RDO) sa Metro Manila at iba pang lugar para mapabuti ang pangongolekta ng buwis.

Kabilang sa RDOs na itinalaga sa bagong assignment sa Metro Manila sina Jose Maria Hernandez sa Quiapo-Sampaloc; Teresita Lumayag sa Tondo-San Nicolas; Miguel Morada sa Caloocan; Cora Balinas sa Mandaluyong; Renato Molina sa North Quezon City; Socrates Regala sa Malabon at Christine Cardona sa Marikina.

Sa mga lalawigan, itinalagang bagong RDOs sina Freddie Santos sa Plaridel, Bulacan; Maglangit Decampong para sa Mandaue City; Ernesto Mangabat sa Calasiao West; Cecilia Campus sa City of San Fernando; Elmer Carolino sa Batangas City West; Mercedes Estalilla sa Olongapo City; Maria Jonelle Faune sa Legaspi City at Olan Bai Gumama sa Tacloban City.

-Jun Ramirez
Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos