UMANI ng magagandang comments ang mga larawan na ipinost ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera sa kanilang Instagram accounts nang palipasin nila ang weekend sa Sonya’s Garden sa Tagaytay.

Marian at Dingdong copy

Sa pagkaalam namin, paborito ng mag-asawa na mag-stay sa nasabing lugar, kahit noon pang mga mag-sweetheart pa lamang sila. Sabi kasi, very private daw ang lugar kaya bagay sa mga celebrities na tulad nila.

Post ni Marian sa kanyang IG: “Tamis-tamisan sa bukid...”

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

Comment ni Ana Feleo: “It’s refreshing to see pictures of just the two of you #lovebirds.”

Singit naman ni @marianupdates, “daming langgam”, habang nag-comment si Manilyn Reynes: “Awww... tamiiisss, @marianrivera & @dongdantes!!!”

‘Di rin nagpahuli si Kyline Alcantara: “Baka naman langgamin kayo dyan, kasi ang Sweet!”

Hindi nagpakabog sa pagko-comment si Vice Ganda: “Super bagay! Ang ganda n’yo tingnan together! Feeling ko magkakatuluyan kayo!”

Sinagot naman ni Dingdong: “@praybetbenjamin ewan ko ba dito, medyo pakipot pa nang konti, eh.”

Mukhang hindi isinama ng mag-asawa ang anak nilang si Letizia dahil walang photo ang bagets, solo lamang sina Dingdong at Marian.

Bukas ay back to work na si Dingdong sa taping ng bago nilang action serye ni Dennis Trillo, ang Cain at Abel.

-NORA V. CALDERON