NAALIW kami sa mga nabasa naming komento sa episode ng Play House nitong Biyernes, dahil talaga namang kilig na kilig ang mga nanonood nang lumabas na sa morning serye ang karakter ni Carlo Aquino.

Carlo

Halos iisa ang komento ng viewers, sobrang kinikilig sila sa pagsasama sa teleserye nina Carlo at Angelica Panganiban.

“CarGel.”

'Di kilala unang babaeng PH president?' Gurong contestant sa Showtime, trending sa X

“Kilig much!”

“Carlo, why so guwapo talaga?”

“Ano kaya papel ni Carlo sa MarTy (Marlon at Patty)?”

Sina Marlon at Patty sa serye ay sina Zanjoe Marudo at Angelica, na nagpaplano nang magpa-annul ng kanilang kasal dahil hindi na sila magkasundo.

Hindi pa malinaw sa kuwento kung sino si Carlo sa buhay ni Patty, pero nang magkita sila nitong Biyernes ay umiiyak ang huli. Pinalaya na kasi niya ang asawang si Marlon.

Ang payo naman ng karakter ni Carlo—na isang doktor—kay Patty: “Kung anuman ang pinagdadaanan mo, maaayos din ‘yan.”

Bakit kailangang maghiwalay nina Patty at Marlon kung mahal pa nila ang isa’t isa? Dahil ba lagi silang nag-aaway? Basehan ba iyon para ipawalang-bisa na ang kasal nila?

Buntis kaya si Patty? Bigla kasi siyang nahimatay sa harap ni Marlon nang magpaalam sa kanya ang asawa na may out of town ito kasama si Irene (Ariella Arida), ang babaeng pinagseselosan niya.

Para makasigurado kung buntis nga ay nagpa-check-up si Patty at laking gulat nga niya nang malamang si Carlo ang doktor na titingin sa kanya.

Doon nagtapos ang episode nitong Biyernes, kaya naman bitin na bitin ang mga viewers.

“Wahahaham, exciting ang next episode,” komento ng isa. “November 3 episode, please.”

Pero may sumagot na Sabado ang November 3, kaya walang Play House.

In fairness, bitin nga. Kaya naman looking forward din kami sa episode ng Play House ngayong Lunes, kung ano na ang susunod na mangyayari sa pagkikita nina Carlo at Angelica sa ospital.

Mapapanood ang Play House, Lunes hanggang Biyernes, bago mag-It’s Showtime, sa ABS-CBN, sa direksiyon ni Jeffrey Jeturian, mula sa GMO unit.

-REGGEE BONOAN