MAY nilulutong year-ender teleserye ang GMA, na ang budget ay katumbas na siguro ng para sa isang malaking pelikula, considering na ang mga bida rito ay sina Dingdong Dantes at Dennis Trillo—ang action teleserye na Cain at Abel.

Coco copy

Pumasok kaagad sa aming isipan ang klasikong pelikula na may kaparehong pamagat na pinagbidahan nina Christopher de Leon at Philip Salvador. Kapwa hinubog ng yumaong Lino Brocka ang dalawang aktor, na siya ring nagdirek ng naturang pelikula.

Pero una nang nilinaw na hindi remake ng pelikula ang serye, bagamat pareho ang titulo ng mga ito. Kung mayroon mang pagkakahawig, ito ay ang pagiging magkapatid ng mga bidang sina Dingdong at Dennis. But just the same, kaabang-abang ang serye dahil sa casting.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Una nang isinabak ng GMA-7 ang seryeng Victor Magtanggol ni Alden Richards, na hindi kinayang pataubin ang FPJ’s Ang Probinsiyano ni Coco Martin, ang bida sa serye bilang si Cardo Dalisay.

Ang Probinsiyano pa rin ang makakatapat ng Cain at Abel, an ambitious project na sinugalan sa dalawang pinakamalalaking Kapuso actors. Malinaw na gagawin ng GMA ang lahat para huwag bumitiw ang televiewers sa kanila.

Kumbaga sa boxing, it is a fight of the century.

-REMY UMEREZ