MARAMING nag-react sa ipinost ni Dennis Trillo sa kanyang Instagram na buwis-buhay na eksena sa upcoming primetime series nila ni Dingdong Dantes, ang Cain at Abel. Sa nasabing eksena, tumalon siya mula sa mataas na tulay sa Santa Cruz, Laguna.

Dennis Trillo copy

Ang eksena ay nakorner siya ng mga taong humahabol sa kanya, at ang tanging paraan para makaligtas siya sa pagkuyog sa kanya ng taumbayan ay ang tumalon siya sa tulay.

Nag-post naman si Dennis nang makaahon na siya sa kabilang panig ng tulay. Palakpakan ang mga tao na humanga sa lakas ng loob niyang gawin ang nasabing eksena. Hindi kasi siya gumamit ng double.

Relasyon at Hiwalayan

Ria Atayde, flinex paboritong bahagi ng araw niya

Matapos umahon si Dennis, ang concern naman ng mga netizens ay kung malinis daw ba ang tubig na binagsakan niya? Baka raw marumi ito, at sana raw ay walang nainom na tubig ang aktor.

“Siniguro ko namang wala nang mga ___ ‘pag talon ko,” sagot ng Kapuso Drama King sa pag-aalala ng netizens.

“Malinis naman siya, promise.” Ito naman ang sagot niya sa isa pa.

May nag-post pa na si Dennis daw ang Tom Cruise of the Philippines, sa ipinakikita niyang husay sa pagganap.

Based sa teaser ng Cain at Abel na ipinalalabas na ngayon sa GMA-7, mukhang mas marami pang action scenes at mga pasabog na gagawin sina Dennis at Dingdong, sa direksyon ni Mark Reyes.

Abangan ang nalalapit na airing ng Cain at Abel, kung saan leading ladies nila sina Solenn Heussaff at Sanya Lopez.

-NORA V. CALDERON