ANG galing-galing talaga ng mga Pinoy sa panggagaya, at mismong mga taga-showbiz ang ginawang laughing stock ang viral ngayon na video greeting ni Cesar Montano, dahil sa babaeng hubo’t hubad na nahagip sa nasabing video.

May ilang kakilala kami sa showbiz na nag-post din ng katulad ng video greeting ng aktor na umani ng napakaraming shares.

Isa sa kanila ang floor director ng It’s Showtime na si Dumbo, na binabati ang isang Otet Nanquil. Sa kanyang video, nahagip sa camera ang isang matabang nakahubad na nagpupunas ng buhok dahil bagong ligo. Umabot na sa 140,599 views at 1,948 shares ang nasabing video.

Going back to Cesar, iisa ang hula ng lahat. Kaagad na in-upload ng aktor ang video, nang hindi muna niya na-check.

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

“Bagong gising yata si Cesar kasi namamaga ang mata kaya hindi na-check ‘yung video greeting niya. Hayun, nakunan ‘yung girl,”kuwentuhan na narinig namin sa event na napuntahan namin bago mag-Undas.

Ang tanong ng lahat: “Sino ‘yung girl?”

May matapang na nagsabi: “Eh, baka ‘yan ang bagong live-in partner ni Cesar.”

Sumakto naman na viral din ngayon ang litratong may kargang bata ang aktor, na bunsong anak daw niya sa non-showbiz girlfriend. Nagdiwang ng first birthday ang bata, at isinabay na ang binyag ng bagets.

May nagkuwento rin na ang nasabing baby girl at ikatlong anak na ni Cesar sa kanyang current girlfriend.

“’Yan ang ikatlong anak ni Cesar kay Kath (Kath Angeles). May dalawang anak na silang lalaki. ‘Yan ang girlfriend niya nu’ng naghiwalay na sila ni Sunshine (Cruz).”

Sa madaling salita, sampu na lahat ang anak ni Cesar, tatlong babae kay Sunshine, tatlo kay Kath, dalawa sa dating asawa, isa kay Teresa Loyzaga—si Diego Loyzaga—at isa rin sa isang dating beauty queen? Pero siyam na lang ang nabubuhay sa mga ito dahil pumanaw na si Angelo, ang anak niya sa una niyang asawa.

Bukas ang pahinang ito para kay Cesar o kay Kath.

-REGGEE BONOAN