Nasa kustodiya na ng Witness Protection Program (WPP) ng Department of Justice (DoJ) ang dating intelligence officer ng Bureau of Custom (BoC) na si Jimmy Guban.

Si Guban ang pangunahiing testigo sa pagpasok ng P11-bilyon halaga ng shabu sa bansa, na sinundo na mga operatiba ng DoJ mula sa Office of the Senate Sergeant-at-Arms (OSAA) sa Senado, kung saan ilang araw siyang nanatili.

Ang pagsailalim kay Guban sa WPP ay batay na rin sa rekomendasyon ni Senator Richard Gordon, chairman ng Senate Blue Ribbon Committee.

Ilang araw na nanatili sa kustodiya ng Senado si Guban matapos siyang sampahan ng contempt charges ng komite dahil sa hindi umano pagsasabi ng totoo.

National

Dalawang kabaong na nakahambalang sa NLEX, nagdulot ng trapiko

Nitong nakaraang linggo, nagbulgar ng mahahalagang detalye si Guban sa Kamara tungkol sa naipuslit na droga sa BoC, kaya nagpasya si Gordon na bawiin ang contempt charges at irekomenda na gawing testigo si Guban sa kaso, na sinang-ayunan naman ng DoJ.

-Leonel M. Abasola